PLANO ng Provincial Government ng Northern Samar na makipag-partner sa Renewable Energy Firm na Berde Renewables Inc. upang mapagbuti ang Electricity Supply sa lalawigan.
Ayon sa Provincial Government, nag-alok ang Berde Renewables ng partnership sa lokal na pamahalaan para sa paglalagay ng Stand-Alone Solar Power Systems na maaring makapag-generate ng elektrisidad batay sa demand ng Host Communities.
Ang naturang proyekto ay inendorso ng Northern Samar Electric Cooperative (NORSAMELCO) para sa kanilang potensyal na makatulong sa Power Utility Distributor para makapag-deliver ng sapat na Energy Supply sa buong probinsya.
Sa statement, inihayag ng Provincial Government na matagal nang problema ng lalawigan ang supply sa kuryente, partikular sa kanilang Island Municipalities kung saan nananatiling unstable ang Power Supply.