21 July 2025
Calbayog City
National

Populasyon ng Pilipinas, lumobo sa 112.7 million noong 2024, batay sa proklamasyon ni Pangulong Marcos

NADAGDAGAN ang populasyon ng Pilipinas ng mahigit tatlong milyon sa huling apat na taon, batay sa 2024 Census Data na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa Proclamation 973 ni Pangulong Marcos, nakasaad na mayroong 112,729,484 Filipinos, as of July 1, 2024.

Mas mataas ito ng 3.69 million mula sa 109,035,343 na mga Pinoy, hanggang noong May 1, 2020, batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority.

Sa ilalim ng batas pambansa 72, ang Final Population Count ay dapat ikonsiderang opisyal para sa lahat ng mga layunin sa pamamagitan ng proklamasyon ng pangulo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).