PINAYAGAN ng pamahalaan sa pamamagitan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang importasyon ng halos kalahating milyong metriko tonelada ng puting asukal, sa nalalabing bahagi ng taon.
Sa Sugar Order No. 8, Series of 2024-2025, inaprubahan ng SRA ang pagpasok ng kabuuang 424,000 metric tons ng Imported Refined Sugar, na darating sa bansa simula July 15 hanggang sa Nov. 30.
Ipinaliwanag ng ahensya na ang Sugar Import Program ay upang matiyak na patuloy na magkakaroon ng sapat na supply ng asukal sa bansa para sa Domestic Consumption at Buffer Stock.
Una nang inihayag ng SRA na as of June 8, 2025, ang Sugar Production para sa Crop Year 2024-2025 ay nasa 2.015 metric tons, mas mataas ng 4.7% mula sa 1.92 million metric tons na naitala noong crop year 2023-2024.