NAGHAIN ang South Korean prosecutors ng Detention Request laban kay Dating President Yoon Suk Yeol hinggil sa mga kasong may kinalaman sa insurrection mula sa pagdedeklara nitong ng Martial Law noong nakaraang taon.
Sa statement mula sa Special Counsel of Prosecutors na nag-iimbestiga sa Dec. 3 incident, ang kahilingan ay kaugnay ng mga alegasyong Abuse of Power at Obstruction of Justice.
Ang Martial Law Decree ni Yoon ay binawi makalipas ang anim na oras matapos itong ianunsyo, nang palagan ito ng mga mambabatas.
Noong Sabado ay ipinatawag ang dating presidente para tanungin ng Special Counsel bilang bahagi ng pagsisiyasat sa Insurrection Charges.