PLANO ng pamahalaan na dagdagan ang pangungutang mula sa Domestic Market para pondohan ang lumalawak na Budget Deficit.
Ayon kay National Treasurer Sharon Almanza, isinasapinal pa nila ang mga detalye ng kanilang Borrowing Program, subalit target pa rin nila ang 80-20 na Local to Foreign na Funding Split.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Target ng gobyerno na itaas ang kanilang Borrowing Program sa 2.6 trillion pesos ngayong taon mula sa 2.55 trillion noong 2024.
Noong nakaraang linggo ay itinaas ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang Budget Deficit Ceiling sa 1.561 trillion pesos para sa taong 2025, o 5.5% ng Gross Domestic Product (GDP) mula sa 5.3% noong nakaraang taon.