3 July 2025
Calbayog City
Business

Balance of Payments ng bansa, inaasahang maitatala sa Deficits ngayong 2025 at sa 2026

INAASAHANG maitalala ang Balance of Payments (BOP) position ng bansa sa Deficits ngayong 2025 at sa 2026, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa gitna ito ng External Challenges, gaya ng Global Trade Uncertainty, tumaas na Geopolitical Risks, at bumabang kumpiyansa ng mga investor.

Sa pagtaya ng Central Bank, inaasahang maitatala sa 6.3-Billion Dollar Deficit ang BOP ngayong 2025 o 1.3% ng Gross Domestic Product, at 2.8-billion dollar Deficit o 0.5% ng GDP sa 2026.

Kumpara ito sa 0.6 billion dollars na Surplus na naitala noong 2024, katumbas ng 0.1% ng GDP. Ang Surplus ay nangangahulugan na mas maraming pondo ang pumasok sa bansa habang Deficit ay mas maraming pondo ang lumabas.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).