PLANO ng National Food Authority (NFA) na limitahan ang pagbili nila ng palay mula sa mga magsasaka sa 100 Bags Per Planting Season.
Sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson na sinisikap nilang pag-aralan ang sitwasyon kung paano maparami ang mga magsasaka na kanilang mase-serbisyuhan.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Ipinaliwanag ni Lacson na sa kasalukuyang setup, may mga lokal na magsasaka na nagma-may-ari ng mahigit isang ektaryang sakahan at maaring makapagbenta ng mahigit isandaang sako ng palay.
Naglabas din ang NFA ng direktiba para sa mas transparent na Palay Procurement, kung saan magse-setup ng mga lamesa sa NFA warehouses upang makita ng mga magsasaka ang transaksyon.