KINANSELA ng manufacturers ng canned sardines ang kanilang plano na magtaas ng tatlong piso sa kanilang produkto.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), nakipag-pulong si Secretary Cristina Roque sa mga miyembro ng Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP), sa pangunguna ng Chattrade, Mega Prime Foods Inc., Permex, Universal Canning Inc., at Century Pacific Food Inc. (CPFI).
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Sa meeting, tiniyak ng Canned Sardine Manufacturers sa ahensya na walang magiging paggalaw sa presyo ng kanilang produkto.
Inihayag ng DTI na nangako ang mga manufacturer na mananatili ang Suggested Retail Price ng delatang sardinas na kabilang sa mga pangunahing bilihan ng pamilyang Pilipino.