INAMIN ni Filipino Pole Vault Star EJ Obiena na nahirapan siya sa sinalihang 2025 Asian Athletics Championships sa Gumi, South Korea.
Sa katunayan, inilarawan ito ni Obiena bilang pinakamahirap sa kanyang tatlong titulo, sa ngayon.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Tinalo ng Two-Time Olympian ang kanyang kaibigan at training partner na si Huang Bokai ng China, sa Jump Off para masungkit ang gintong medalya.
Ayon kay Obiena, tumagal ang kompetisyon ng mahigit limang oras na nilahukan ng labinlima hanggang labing anim na atleta.
Nakatakda namang magtungo si Obiena sa Netherlands June 9 saka sa Oslo para sa Diamond League at Stockholm.
