INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapaliban sa EDSA Rehabilitasyon na sisimulan sana sa June 13.
Sinabi ng pangulo na kailangang pag-aralan ng isang buwan ang proyekto upang malaman kung mayroong mga bagong teknolohiya na maaring gamitin sa rehabilitasyon ng 23.8 kilometers na kalsada.
ALSO READ:
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Inihayag ni Marcos na kung titingnan ang Cost-Benefit Analysis, maganda kung maaayos ang EDSA, subalit malaking sakripisyo ang dalawang taon, dahil magkakaroon ng masyadong mabigat ang trapiko.
Binigyang diin din ni Pangulong Marcos na maraming motorista ang mahihirapan sa biyahe sa sandaling mag-umpisa na ang rehabilitasyon.
