BUMABA ng 3.7% o sa 403.79 thousand metric tons ang produksyon ng baboy sa unang quarter ng 2025 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang Northern Mindanao na Top Hog Producer ay may 57.99 thousand metric tons liveweight, na kumakatawan sa 14.4% ng kabuuang produksyon.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Sumunod ang Calabarzon na may 57.36 thousand metric tons; Central Luzon, 50.66 thousand metric tons; Central Visayas, 40.86 thousand metric tons; at Davao Region, 31.72 thousand metric tons.
Nabawasan ng 6.14 thousand metric tons ang swine production sa Calabarzon, na nakapagtala ng pinakamalaking ibinaba mula sa labing isang rehiyon.