NAHARANG ng Israeli military ang missile na inilunsad mula sa Yemen ng Houthi Rebels.
Umalingawngaw ang sirena sa iba’t ibang lugar sa Israel bunsod ng tangkang pag-atake.
Karamihan umano sa pinakawalang missiles ng Houthis ay nasalag, kung hindi man ay kinapos.
Sinabi ng Houthi military spokesperson na si Yahya Saree, na ang kanilang grupo ang responsable sa pag-atake kahapon.
Aniya, nagpakawala sila ng missile patungong Ben Gurion Airport, malapit sa Tel Aviv.