INILUNSAD ng League of Filipino Actors (Aktor PH) ang kanilang official website para lumikha ng komunidad para sa kapakinabangan ng Filipino artists.
Ang website na inilunsad ng organisasyon, sa pamumuno ng kanilang Chairman na si Dingong Dantes, at iba pang board members, gaya nina Agot Isidro, Iza Calzado, at Boots Anson-Roa.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Sinabi ni Dingdong na ang celebrity website ay magsisilbing database o “global calling card” ng Filipino artists, kung saan makikita ang kanilang profiles, filmographies, contact numbers, at headshots sa pamamagitan lamang ng isang click.
Tampok din sa website ng Aktor PH ang listahan ng member-performers na naka-pattern sa online casting database ng celebrities sa Hollywood.
