PINABULAANAN ni Toni Gonzaga na sila ng kanyang mister na si Paul Soriano ay dumadaan sa marital issues.
Sa gitna ito ng blind item na kumakalat sa social media tungkol sa power couple na “on the rocks” ang marriage.
ALSO READ:
Sa Tiktok live para sa isang collagen supplement noong Martes, mabilis na itinanggi ni Toni ang alegasyon, matapos bumaha ng tanong sa comment section tungkol sa pagsasama nila ni Direk Paul.
Aniya, huwag nang pag aksayahan ng panahon ang mga non-sense, dahil ang dapat sa mga waste ay pina-flush sa restroom.




