AABOT sa 2.99 million pesos na halaga ng livelihood assistance ang ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office sa Eastern Visayas sa pitong Women’s Association sa Liloan, Southern Leyte.
Kabuuang isandaan at labing isang kababaihan ang nakinabang sa ayuda na ipinatupad sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Liloan.
ALSO READ:
Ang livelihood assistance ay bahagi ng proyekto na tinawag na “Liloan Women in Action: A Women’s Association Empowerment and Livelihood Initiative.”
Na sumusuporta sa income-generating activities.
Kinabibilangan ito ng laundry services, convenience stores, salabat o ginger tea production, at dressmaking.




