INANUNSYO ng BTS na babalik sila sa Pilipinas sa 2027 para sa kanilang upcoming World Tour, makalipas ang isang dekada.
Sa kanilang X account, tinukoy ng label na Bighit Music ang mga lugar at petsa para sa upcoming World Tour ng K-Pop Supergroup, kabilang na ang Manila Stop sa March 13 at 14.
ALSO READ:
Sa hiwalay na X post, inihayag ng Live Nation Philippines na abangan ang eksaktong venue at ticket details sa mga susunod na anunsyo.
Magsisimula ang tour sa pamamagitan ng three-day concert sa Goyang, South Korea sa Abril bago ipagpatuloy sa iba pang stops sa Asia, Europe, North at South America, at Australia.




