FAKE news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa pagtanggal ng K to 12 Program sa darating na SY 2025-2026.
Ayon sa Department of Education (DepEd) hindi totoong aalisin na ang nasabing programa.
Pinaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa misinformation.
Mainam ding agad magsagawa ng “fact checking” kapag may nakikitang impormasyon sa social media bago ito ipakalat dahil maaari itong magdulot ng kalituhan sa publiko.