NAGPAKALAT ang PNP Eastern Visayas ng karagdagang 237 police officers para palakasin ang Police Provincial Offices (PPOs) sa rehiyon, isang linggo bago ang midterm elections.
Sinabi ni Police Regional Office – Eastern Visayas (PRO-8) Director Brig. Gen. Jay Cumigad, na napapanahon ang deployment mula sa Regional Headquarters at Regional Support Units.
Ito, aniya, ay dahil magkakaroon ng final testing at sealing ng mahigit 5,600 Automated Counting Machines sa buong rehiyon, ngayong Martes.
Mula sa 237 police officers, 104 ang pansamantalang itinalaga sa Leyte PPO; apatnapu sa Southern Leyte; limampu sa Eastern Samar; at apatnapu’t tatlo sa Samar.