LUMITAW sa imbestigasyon ng United Nations na siyam na empleyado mula sa kanilang main agency para sa Palestinian Humanitarian Relief o UNWRA, ang posibleng sangkot sa Oct. 7 attack at hindi na nagta-trabaho ngayon sa ahensya.
Ang UNRWA ay mayroong labing apat na libong staff members sa Gaza.
US, nangakong tutulong sa seguridad ng Ukraine sa ikakasang Peace Deal kasama ang Russia
Mahigit 40 katao, nawawala sa paglubog ng bangka sa Nigeria
67 katao, inaresto bunsod ng illegal alcohol production matapos masawi ang 23 katao sa Kuwait
Mahigit 340 katao, patay sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa Pakistan
Inilunsad ang imbestigasyon noong Enero makaraang akusahan ng Israel ang ilang empleyado ng UNWRA na sangkot sa pag-atake na nagresulta sa pagkasawi ng isanlibo at dalawandaang katao sa naturang bansa.
Ilan sa siyam na empleyado ay sinibak na noong Enero matapos ang alegasyon habang ang iba naman ay tinanggal makaraan ang panibagong akusasyon, ayon kay Juliette Touma, Communications Director for the UN Relief and Works Agency for Palestine Refugees in the Near East o UNRWA.
Isinailalim ng Office of Internal Oversight Services ng UN ang kabuuang labinsiyam na empleyado na inakusahan ng Israel na may partisipasyon sa terror attack.