NAKAPAGTALA ng mas mabilis na paglago ng ekonomiya ang Pilipinas noong ikalawang quarter ng taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito na ang pinakamabilis sa nakalipas na limang quarter bunsod ng matatag na consumption activities.
Sa press conference, sinabi ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, na lumago ang Gross Domestic Product (GDP) o ang kabuuang halaga ng goods at services na na-produce sa isang period, sa 6.3% noong Abril hanggang Hunyo.
Mas mataas din ito kumpara sa nirebisang GDP growth rate na 5.8% noong unang quarter ng 2024.