Sinibak sa pwesto ng Bureau of Customs ang siyam (9) na tauhan nito sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang masangkot sa insidente ng pangingikil.
Ayon kay Commissioner Ariel Nepomuceno, minarapat na alisin sa kani-kanilang pwesto ang siyam na tauhan habang nagsasagawa ng malawakang imbestigasyon ang Customs Intelligence and Investigation Service ng BOC sa insidente na nangyari noong June 2025.
Samantala, naglabas din ng kautusan si Nepomuceno sa lahat ng Deputy Commissioners, District Collectors, District Commanders, Port Supervisors, Examiners, iba pang mga tauhan na agad i-report sa kaniyang tanggapan ang mga reklamo laban sa sinumang BOC personnel sa loob ng 24 na oras.
Bawat report ay dapat nagtataglay ng Spot o Incident Reports at suportado ng dokumento o ebidensya.
Ang tanggapan na may hurisdiksyon sa inirereklamong tauhan ang magsusumite ng report at maaari ding atasan ni Nepomuceno na magsumite ng inisyal na findings at rekomendasyon dalawang araw pagkatapos matanggap ang reklamo.