KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakaranas ng pangha-harass mula sa China Coast Guard (CCG) ang mga mangingisdang pinoy sa Bajo De Masinloc sa Zambales.
Sinabi ni Commodore James Tarriela ng PCG, na natunton na nila ang punagmulan ng video na kumakalat sa online kung saan makikita ang personnel ng CCG na kinompronta ang mga mangingisdang pinoy nakaraang maispatang nangongolekta ng seashells sa Lugar.
Aniya, inamin ni Jack Tabat mula sa Zambales na ang video ay mula sa kanilang bangka na FB Legendary Jo, at ayon sa statement nito, Jan. 12 nang makaranas ng harassment ang Filipino fishermen at inutusan sila ng CCG na ibalik ang seashells na kanilang kinuha sa dagat.
Sa testimonya ni Tabat, limang CCG personnel na sakay ng rubber boat ang lumapit sa kanila at pinigilan ang kanilang bangka na umalis hangga’t hindi nila naisasauli sa dagat ang mga kinuhang seashells.