BUMAGSAK ng siyam na porsyento ang inaprubahang building permits noong Hunyo kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sa preliminary data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 13,170 ang inaprubahang building projects noong ika-anim na buwan mula sa 14,477 noong June 2023.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Saklaw nito ang building projects na itinayo sa 2.66 million square meters ng floor area, na mas mataas naman ng 7 percent kumpara sa 2.49 million square meters sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay John Paolo Rivera, Senior Research Fellow sa Philippine Institute of Development Studies, bumagal ang construction activities noong hunyo dahil sa mataas na interest rates.
