TATLO ang patay habang apatnapu’t siyam ang nasugatan sa salpukan ng dalawang pampasaherong tren sa Zagazig City, sa Egypt.
Ayon sa health ministry ng bansa, lima sa mga nasugatan ay unstable ang kondisyon.
Inihayag ng railway authority na isa sa mga tren ay mula Zagazig patungong Ismailia habang ang isa ay mula sa Mansoura City patungong Zagazig.
Ilang taon nang dini-develop ng Egypt ang kanilang lumang transportation network, mino-modernize ang kanilang mga tren, at inaayos ang railway lines.