APAT na menor de edad ang nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang tamaan ng natumbang puno, sa bayan ng Malabang, sa Lanao del Sur.
Ayon sa Bangsamoro Ministry of Social Services and Development (MSSD), nabuwal ang puno bunsod ng masamang panahon.
ALSO READ:
Seguridad para sa Panagbenga Festival, ikinakasa na
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Ang mga nasawi ay pito hanggang labinlimang taong gulang habang ang tatlo pang nasugatang menor de edad ay nananatili pa sa ospital.
Nakapagbigay na ang MSSD ng tulong, gaya ng food packs sa mga pamilya ng mga biktima. Tiniyak din ng ahensya na magbibigay sila ng burial assistance sa mga pamilya ng mga nasawi at financial aid sa mga sumasailalim sa gamutan.
