UMALIS na si Liza Soberano sa talent management na Careless Music Management.
Noong Sabado ay kinumpirma ng label na wala na sa kanilang pamamahala si Liza simula pa noong July 29.
ALSO READ:
Zaijian Jaranilla, tikom ang bibig sa estado ng relasyon kay Gela Atayde
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Sa post sa Instagram, sinabi ng Careless na karangalan para sa kanila na maka-trabaho ang bente sais anyos na aktres, kasabay ng paghahangad na magtagumpay ito saan man ito makarating.
Nitong Setyembre ay napaulat na in-unfollow ni Liza ang talent management sa Instagram.
Isiniwalat din ng dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz na hindi na “magkaibigan” ang aktres at ang founder ng kumpanya na si Singer-Actor James Reid.
