LUMAGDA si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ng Memorandum of Understanding (MOU) para sa E-Konsulta Package.
Ito ay sanib-pwersang hakbang ng City Health Office ng LGU Calbayog at St. Camillus Hospital.
Isinagawa nina Mayor Mon at Hospital Director Gabriel Garcia ang signing ceremony sa tanggapan ng alkalde.
Pinadadali ng e-Konsulta Package ang referral process para sa laboratory at diagnostic services, upang maging mas accessible sa mga residente ang essential healthcare.
Ang pagtutulungan ng LGU City Health Office, at St. Camillus Hospital ay patunay ng nagkakaisang commitment upang mapagbuti ang healthcare accessibility at matiyak ang kapakanan ng mga Calbayognon.