Nakumpiska ng mga tauhan ng PNP – Maritime Group ang halos 2,000 board feet ng Lawaan lumber sa Dolores, Eastern Samar.
Natyempuhan ng mga tauhan ng Mapanas Special Boat Crew ang iligal na operasyon ng pag-unload ng mga troso sa baybayin ng Dolores.
ALSO READ:
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Walang naipakitang kaukulang dokumento o permit ang apat na suspek na naaktuhang nagsasagawa ng pag-unload ng mga kahoy.
Inaresto ang nasabing mga suspek at dinala sa Mapanas Seaborne Command kasama ang mga masabat na lumber.
