Nahukay ng joint team mula sa Philippine Army at PNP Scene of the Crime Operatives ang mga armas na pagmamay-ari ng New People’s Army (NPA) sa Carigara, Leyte.
Ayon kay Lt. Col. Celeste Frank Sayson, Commander ng 93rd Infantry Battalion ng army, natagpuan sa Barangay Cogon ang mga armas na mula sa natirang miyembro ng Platoon 2 ng Eastern Visayas Regional Party Committee ng NPA.
Narekober sa operasyon ang isang M16 rifle, isang hand grenade, ammunition, tatlong short magazines, dalawang improvised blasting cups, mga subersibong dokumento, computer tablet, bigas, backpack, at ibat ibang medical paraphernalia.
Pinapurihan naman ni Brig. Gen. Noel Yestuir, Commander ng 802nd Infrantry Brigade ang pakikiisa ng komunidad sa Anti-Insurgency Campaign ng pamahalaan.




