MAS kaunting lanes ang madadaanan ng mga motorista sa Metro Manila sa kahabaan ng EDSA, ngayong sisimulan na ang rehabilitasyon sa kanto ng Roxas Boulevard.
Magsisimula ang rehabilitation works, mamayang alas onse ng gabi.
Plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na isara ang tatlong innermost lanes, kabilang ang EDSA Carousel Busway.
Simula ngayong Dec. 24 hanggang Dec. 27, ipatutupad ang reblocking sa Northbound at Southbound Lanes ng EDSA mula Roxas Boulevard hanggang Taft Avenue sa Maynila.
Magsasagawa rin ng reblocking sa Southbound Lane ng Park Avenue hanggang sa bago makarating sa Northbound Lane ng Aurora Boulevard.
Inihayag ni DPWH Secretary Vince Dizon na ipatutupad ang reblocking sa mga piling lugar lamang.




