14 November 2025
Calbayog City
National

87% ng mga Pilipino, naniniwalang dapat unahin ng senado ang edukasyon sa 20th Congress

87 percent ng mga Pilipino ang nagnanais na unahin ng senado ang mga reporma sa edukasyon sa papasok na 20th Congress, batay sa latest survey ng Stratbase at Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na isinagawa mula May 2 hanggang 6, tinanong ang 1,800 na registered voters kung anong mga isyu ang dapat unahin ng senado pagkatapos ng May 12 Midterm Elections.

Malaking bilang ng respondents ang nagsabing dapat bigyang prayoridad ng mataas na kapulungan ang pagpapabuti sa accessibility sa edukasyon.

Sa pamamagitan ito ng pagpapalakas sa Public Education System, pamamahagi ng scholarships, at pagpapalawak ng Vocational Training Programs.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).