NAKAPAGTALA ang Korte Suprema ng 86.7 percent na turnout sa unang araw ng 2025 Bar Examinations.
Ayon kay Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier, Chairperson ng 2025 Bar Examinations, mayroong 11,437 Examinees ang nagtungo sa mga Local Testing Centers unang araw ng pagsusulit.
ALSO READ:
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
Ito ay 86.7% ng 13,193 examinees admitted.
Ayon sa SC, 5,215 ang mga bagong examinees, 4,239 ang previous takers at 1,984 ang refreshers.
Sa mga kumuha ng pagsusulit, mayroong 206 na Senior Citizens.
Ang ikalawang araw ng Bar Exams ay isasagawa sa Sept. 10 habang sa Sept. 14 naman ang ikatlong araw.
