IDINEKLARA ni Peruvian President Jose Jeri ang 30-Day State of Emergency sa kabisera na Lima, at kalapit probinsya na Callao, upang masugpo ang tumaas na krimen.
Kasunod ito ng mga kilos protesta noong nakaraang Linggo na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng mahigit isandaang iba pa.
ALSO READ:
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Libo-libong katao, nagluksa para sa mga biktima ng suicide bombings sa Islamabad
Sinabi ni Jeri na sa pamamagitan ng deklarasyon ay pinapayagan ang Deployment ng mga sundalo at pulis, upang mapanatili ang Public Order.
Sa Televised Address, binigyang diin ng pangulo na kikilos sila mula sa depensa patungong opensa para manumbalik ang kapayapaan, katahimikan, at tiwala ng milyun-milyong Peruvians.
