NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang mga senador sa 8.9 billion pesos na halaga ng Farm-To-market Road (FMR) Projects na umano’y na-swap, dalawang araw matapos aprubahan ng Bicameral Conference Committee (BICAM) ang panukalang 2026 Budget ng Department of Agriculture.
Sa ika-apat na araw ng BICAM deliberations, sinabi ni senador Francis “Kiko” Pangilinnan, Chairman ng Senate Committee on Agriculture na sumulat sa kanya si DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na may petsang Dec. 15 para sa listahan ng FMR Projects na hindi kasama sa bersyon na inaprubahan ng BICAM noong Dec. 13.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Ayon kay Pangilinan, ipinaliwanag ni Tiu Laurel na nagbigay ang DA ng bagong listahan dahil ang naunang isinumite ay walang approval mula sa kanya, dahil siya ay naka-medical leave.
Binigyang diin ng senador na paninindigan nila ang listahan ng FMR Projects na inaprubahan noong Dec. 13, maliban na lamang kung may BICAM members na tututol.
Sa bahagi naman ni Senador Loren Legarda, ipinunto niya na ang lapses ay maaring makaapekto sa pagpa-plano ng Government Projects sa hinaharap, kasabay ng pagkabahala na maaring gayahin ng ibang mga ahensya ang DA.
Samantala, kinumpirma ni Senator Sherwin Gatchalian na posibleng ibalik ang bahagi ng 45 billion pesos na tinapyas mula sa Proposed 2026 Budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ng Chairperson ng Senate Committee on Finance, bagaman na hindi pa niya nabe-verify ang eksaktong pigura, ay siguradong hindi buong 45 billion pesos ang ibabalik sa DPWH Budget.
Sa final reading ng senado, ibinaba sa 570.48 billion pesos ang Proposed 2026 Budget ng DPWH mula sa 624.48 billion pesos sa ilalim ng inaprubahang General Appropriations Bill (GAB) ng Kamara.
Matatandaan na inisyal na ipinanukala ng DPWH ang 881.31 billion pesos na budget sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP) subalit binawasan ito matapos alisin ang Locally Funded Flood Control Projects, kasunod ng pagkakabunyag sa Substandard at Ghost Projects.
