LUMOBO na sa tatlumpu’t walo ang napaulat na nasawi sa epekto ng Habagat at mga Bagyong Crising, Dante, at Emong.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tatlo pa lamang sa naturang bilang ang kumpirmadong nasawi habang tatlumpu’t lima ang isinasailalim pa sa balidasyon.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Tatlumpu’t tatlo naman ang napaulat na nasugatan habang walo ang nawawala.
Samantala, umabot sa mahigit 2.365 million families o 8.592 million individuals ang naapektuhan ng masamang panahon.
Tinaya naman sa 3.277 billion pesos ang halaga ng Agricultural Damage habang 13.957 billion pesos sa imprastraktura.
Kabuuang dalawandaan limampu’t apat na mga lungsod at munisipalidad ang nagdeklara ng State of Calamity, at karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa Ilocos Region.