Arestado ng Bureau of Immigration ang hinihinalang miyembro ng “Luffy” criminal syndicate sa Japan.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony M. Viado nadakip ang Japanese national na si Ohnishi Kentaro, 47-anyos ay inaresto sa Angeles City, Pampanga sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Tokyo Summary Court noong taong 2022.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Ang nasabing dayuhan ay nahaharap sa kasong theft na paglabag sa Japanese Penal Code.
Sa impormasyon na nakuha ng BI mula sa Japanese government ang “Luffy” syndicate ay nakatangay ng mahigit 1 billion Yen sa mga ilegal na aktibidad na kanilang kinasangkutan kabilang ang pagnanakaw ng ATM cards.
Karaniwang biktima ng sindikato ang mga retirees sa Japan.
