UMAPELA ng pang-unawa at kooperasyon sa publiko ang Northern Samar Provincial Hospital (NSPH), sa harap ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga ina-admit na ahensya at ngayon ay nag-o-operate ng mahigit sa doble ng kanilang Authorized Capacity.
Sa Advisory, sinabi ni NSPH Chief, Dr. Joseph Estanislao, na sa kasalukuyan ay mayroong nasa tatlundaan at animnapung mga pasyente na naka-admit sa kanilang ospital.
Mga Calbayognon, pinayuhan ng City Health Office na mag-doble ingat laban sa Influenza-like Illnesses
Catarman, Northern Samar, idineklarang ‘Insurgency Free’
DPWH, humihirit ng 140 million pesos na Repair Fund para sa Calbiga Bridge sa Samar
19.5K seafarers, sinanay ng National Maritime Polytechnic sa unang 9 na buwan ng 2025
Masyadong malaki ang agwat kumpara sa pinapayagang 150-Bed Capacity at maging sa kanilang aktwal na 200-Bed Operating Capacity.
Ayon sa NSPH Management, karamihan sa mga kaso ay sa Medicine and Pediatric Wards, na umu-okupa sa lahat ng Available Spaces sa loob ng pasilidad.
Tiniyak naman ni Estanislao sa publiko na pansamantala lamang ang sitwasyon at ginagawa ng ospital ang lahat upang palawakin ang Healthcare Services.