ISINUMITE na ng Department of Public Works and Highways at Independent Commission for Infrastructure ang rekomendasyon nito sa Office of the Ombudsman para masampahan ng kasong Graft ang walong “cong-tratista” kasama si Resigned Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Sakop ng reklamong inihain ng DPWH at ICI ang nasa 1,300 Infrastructure Projects mula 2016 hanggang 2024.
Maliban kay Co, pinakakasuhan din sa Ombudsman ang mga sumusunod na kongresista:
- Construction Workers Solidarity Party-list Rep. Edwin Gardiola
- Uswag Ilonggo Party-list Rep. James Ang Jr.
- Pusong Pinoy Party-list Rep. Jernie Nisay
- Bulacan 2nd District Rep. Augustina Pancho
- Cagayan 3rd District Rep. Joseph Lara
- Surigao Del Norte 1st District Rep. Francisco Matugas
- Tarlac 3rd District Rep. Noel Rivera
Ayon kay ICI Chairman Andres Reyes si Co at pitong iba pang mambabatas ay lumabag sa Code of Conduct for Government Officials at Anti-Graft and Graft Practices.
Samantala, nasa sampung porsyento ng tatlundaan at labing walong miyembro ng House of Representatives ang posibleng may pananagutan at Conflict of Interest sa flood control controversy.
Ito ang inanunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla, matapos irekomenda ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagsasampa ng Plunder, Graft, at iba pang kaso laban kay Dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co at pito pang mga mambabatas na may kaugnayan umano sa mga contrator na nakakuha ng mga proyekto sa gobyerno.
Inamin ng ombudsman na masakit ito para sa kanya dahil may kasama itong mga sakripisyo, gaya ng mga nasirang pagkakaibigan at galit mula sa mga tao.
Aniya, maging ang kanyang mga anak ay apektado na rin, kaya hindi ito madali.
Si Remulla ay dating miyembro ng kamara simula 2004 hanggang 2013 at mula 2019 hanggang 2022, bago itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang justice secretary.
Idinagdag ni Remulla na kakausapin niya si Speaker Faustino “Bojie” Dy III, upang maiwasan ang pagkagambala sa legislative at oversight work ng house.




