HINDI bababa sa pito ang nasawi sa mga pambobomba at pamamaril sa South-Western Colombia.
Ayon sa local media reports, dalawang police officers ang kabilang sa mga namatay sa mga pagsalakay sa Cali City at iba pang mga kalapit na bayan.
ALSO READ:
18 anyos na babae na may mental health issues, salarin sa mass shooting sa paaralan sa Canada
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Kabilang sa mga ginamit sa pag-atake ay car bombs, motorcycle bombs, rifle fire, at suspected drone.
Sa impormasyon mula sa Colombian Ministry of Defence, nasa labinsiyam na pag-atake ang naranasan sa ikatlo sa pinakamalaking lungsod sa bansa at sa iba pang mga lugar.
Inuugnay ang ilang pagsalakay sa isang paksyon ng Revolutionary Armed Forces of Colombia, na minsan ay naging makapangyarihang Guerilla Group.
