DALAWA pang kumpirmadong kaso ng Mpox ang naitala sa Iloilo City, dahilan para sumampa na sa anim ang Confirmed Cases ng sakit sa lungsod, as of June 10.
Ayon kay Dr. Mary Ann Diaz, City Health Officer, ang dalawang kaso ay kabilang sa Suspected Cases na inireport noong nakaraang linggo.
ALSO READ:
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Bilang ng mga nasawi sa pagguho ng landfill sa Cebu City, umakyat na sa 6
Anim na iba pang kaso ang nakumpirma sa pamamagitan ng Laboratory Tests.
Sinabi rin ni Diaz na ang mabuting balita naman ay tuluyan nang nakarekober ang mga naunang pasyente na kumpirmadong tinamaan ng Mpox.
Sa ngayon, mula sa 12 Cases na nai-record, anim ang kumpirmado habang anim ang suspected.
