ITINANGHAL ng Department of Energy (DOE) ang Provincial Government ng Northern Samar bilang nagwagi ng Sustainable Energy Awards 2025 sa ilalim ng Local Government Units category.
Kinilala ng ahensya ang leadership at initiatives ng Northern Samar sa pagsusulong ng renewable energy.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Sa liham na pinadala kay Governor Harris Christopher Ongchuan, pinuri ng DOE ang lalawigan sa kanilang “Strong and sustained commitment to creating an enabling environment for the deployment of renewable energy within its jurisdiction.”
Gaganapin ang awarding ceremony sa Dec. 16 sa Shangri-La sa Makati City.
Tinukoy ng DOE Sustainable Energy Awards Selection Committee ang iba’t ibang milestone initiatives ng Northern Samar, bukod sa pagiging kauna-unahang probinsya sa Pilipinas na nag-adopt ng Green Lane Policy para sa Renewable Energy Investments.
