NAGLABAS ng babala sa publiko ang Food and Drug Administration ng Thailand sa popular na Hong Thai Herbal Mixed Balm Formula 2 matapos na magpositibo sa Microbial Contamination ang sinuri na ilang Batch nito.
Ayon sa ulat ng “The Bangkok Post” nagsagawa ng pagsusuri ang Thailand FDA sa Samples ng Inhaler na kinuha mula sa Manufacturing Site at ipinadala sa Department of Medical Sciences.
Mga senador, muling in-adjust ang schedule para sa ratipikasyon ng enrolled copy ng 2026 Budget
Sarah Discaya at mga co-accused, humihirit na makabalik sa kustodiya ng NBI
Ombudsman, ipinasusurender sa DPWH ang computers at devices na inisyu kay yumaong Undersecretary Cathy Cabral
PNP at Bulacan Government, ininspeksyon ang tindahan ng mga paputok sa Bocaue
At batay sa resulta ang produktong sinuri ay lumagpas sa itinakdang Limit para sa tatlong kategorya – ang Total Aerobic Microbial Count, Total Combined Yeasts and Mold Count, at Clostridium SPP.
Sa pahayag naman ng kumpanyang Hong Thai Panich, iniutos na ang Recall sa mga apektadong produkto na tinatayang aabot sa 200,000 Units.
Kabilang dito ang mga mayroong Production Batch No. 000332 na may Manufacture Date na December 9, 2024 at may Expiry Date na December 8, 2027.
