Ang TRABAHO (bilang 106 sa balota) ay may malaking posibilidad na makapuwesto bilang party list sa Kamara ayon sa survey ng Pulse Asia Research, Inc. na inilabas ngayong araw, isang linggo bago ang nakatakdang halalan sa Mayo 12, 2025.
Batay sa survey na isinagawa mula Abril 20 hanggang Abril 24, lumakas pa lalo ang hatak sa publiko ng 106 TRABAHO Partylist na umakyat sa ika-25 pwesto mula sa ika-29 noong Marso.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Malugod na tinanggap ni Atty. Mitchell Espiritu, tagapagsalita ng 106 TRABAHO Partylist, ang resulta ng survey. Ito raw ay resulta ng malinaw na plataporma ng 106 TRABAHO, at ng kanilang taos-pusong representasyon sa mga manggagawa na kitang-kita sa kanilang mga isinagawang grassroots campaign pati sa mga liblib na komunidad.
“Ang 106 TRABAHO Partylist ay hindi lamang magiging boses ng manggagawang Pilipino, kundi magiging sandigan nila upang magsulong ng mga programang tutugon sa kanilang mga hinaing at pangangailangan,” pagdidiin ng abogado.
Ang mga pangunahing plataporma ng 106 TRABAHO ay pagsusulong ng kalidad na trabaho, patas na oportunidad, sapat na sahod, karagdagang mga benepisyo, at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho.
