10 September 2025
Calbayog City
National

60,000 metric tons ng bigas na matagal nang nakaimbak sa warehouse, isusubasta na ng NFA

ISUSUBASTA ng National Food Authority ang nasa 60,000 metriko toneladang bigas nito na luma na o matagal nang nakaimbak sa kanilang Warehouse.

Ito ay para maiwasan ang tuluyang pagkasira ng mga ito at para lumuwag din sa Warehouse ng ahensya.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., na siya ring Chairman ng NFA Council, sa pamamagitan nito ay masusuportahan din ang Rice Supply sa bansa sa pag-iral ng Ban sa pag-aaangkat ng bigas.

Sinabi ng NFA na isasagawa ang Auction sa buwan ng Oktubre pero ang mga Government Relief Agencies gaya ng Department of Social Welfare and Development ang bibigyan ng pagkakataon na unang makabili ng Rice Stock simula sa Setyembre.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.