EPEKTIBO na simula ngayong araw, September 1 ang 60-araw na suspensyon sa pag-aangkat ng bigas.
Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Import Ban sa bigas para maprotektahan ang mga lokal na magsasaka sa panahon ng anihan.
Sa ilalim ng Executive Order Number 93 ni Pangulong Marcos ay inaprubahan ang hiling ng Department of Agriculture na suspendihin ang importasyon ng Regular Milled at Well-Milled Rice mula Setyembre 1 hanggang Oktubre 30, 2025.
Nakasaad sa EO na maaring paiksihin o palawigin ang pag-iral ng Import Ban base sa Joint Recommendation ng Department of Trade and Industry, Department of Economy, Planning, and Development, at DA.