NAKATAKDANG magsagawa ng concert ang singer-songwriter na si Rob Deniel sa Araneta Coliseum sa Pebrero.
Ginawa ng VIVA Live, na events arm ng VIVA Entertainment, ang anunsyo sa pamamagitan ng Facebook, na may kasamang 15-second teaser video.
ALSO READ:
Vic Sotto, sumailalim sa cataract surgery
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Sinabi ng VIVA Live na gaganapin ang solo concert ni Rob sa Feb. 27.
Hindi pa inaanunsyo ang presyo ng tickets, subalit sisimulan itong ibenta sa Dec. 30 sa pamamagitan ng ticketnet.
Si Rob na mayroong 6.9 million monthly spotify listeners, ay nakilala sa kanyang viral singles na “Miss, Miss” at “Romcom.”
