INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management ang pagpapalabas ng mahigit 1.6 billion pesos para sa pag-replenish ng Quick Response Fund ng Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development, at Philippine Coast Guard.
Sa nasabing halaga, 1 billion pesos ang inilaan para sa Recovery at Rehabilitation Programs ng DA sa mga rehiyong apektado ng African Swine Fever at ng nagdaang mga bagyo.
Kasama din dito ang Standby Fund para sa Agricultural Recovery Programs sa mga tinamaan ng Bagyong ‘Uwan’ at kung sakaling magkaroon ng iba pang kalamidad.
Ang pondo ay maaaring gamitin ng DA sa pamamahagi ng Inputs para sa Crops, Livestock, Poultry, at Fisheries; pagkukumpuni ng mga pasilidad; at pagbibigay ng Cash Aid o kagamitan sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda.
Mahigit 631 million naman ang ibinigay sa DSWD para dagdagan ang kanilang 2025 QRF para sa kanilang Relief Operations.
Habang mahigit 53 million naman para sa Philippine Coast Guard upang masuportahan ang kanilang Relief, Rehabilitation, at Search and Rescue Operations tuwing may kalamidad.




