“GOOD budget.”
Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin kung ano ang nais niyang makamit ngayong pasko.
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
Sa episode ng BBM podcast na ipinalabas, kahapon, sinabi ng pangulo na magiging maganda ang pasko kung mabibigyan ng legislature ng good budget ang bansa.
Matatandaang naging kontrobersyal ang 2025 National Budget dahil sa korapsyon at umano’y insertions, kung saan ilang mambabatas ang iniugnay sa mga anomalya.
Maging si Pangulong Marcos ay inakusahang sangkot sa assertions, na mariing pinabulaanan naman ng Presidential Communications Office at tinawag na fake news.
Target na malagdaan ang 2026 GEneral Appropriations Act sa Dec. 29.
Samantala, bukod sa pagkakaroon ng good budget para sa bansa, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais niyang magkaroon ng mas maraming oras kasama ang kanyang pamilya, sa kabila ng kanyang busy schedule.
Inamin ng pangulo na nami-miss niya ang mga panahon na simple lamang ang kanyang pamumuhay sa Ilocos, kasama ang pamilya, at noong hindi pa nagta-trabaho ang kanyang mga anak.
Nilinaw ng punong ehekutibo, na hindi naman niya sinasabing hindi siya masaya ngayon.
Aniya, masaya siya dahil binigyan siya ng pribilehiyo na makatulong, at gumawa ng mga hakbang para mapagbuti ang buhay ng mga Pilipino.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos na kapag nasa serbisyo publiko, ang pribilehiyo na makatulong ang pinakamahalaga.
