23 August 2025
Calbayog City
National

Mga Pinoy marino na naipa-deport pauwi ng Pinas, inilapit ni Sen. Raffy Tulfo kay US Ambassador Carlson

Photo: Raffy Tulfo In Action facebook page

Ipinaabot ni Senator Raffy Tulfo kay US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ang sinapit ng mga Pinoy Marino na ipinadeport pabalik ng Pilipinas dahil umano sa isyu ng child pornography. 

Ito ay matapos imibitahan ni Carlson para sa isang dinner meeting si Tulfo na siya ring chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers.

Ayon sa kwento ng mga Pinoy crew, nakadaong ang kanilang cruise ship sa US nang sumampa ang mga tauhan ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) at ininspeksyon ang kanilang mga cellphone. 

Kahit wala namang nakitang child pornographic materials, ang mga Pinoy ay ipinakulong at ipina-deport.  

Nilinaw naman ni Ambassador Carlson na humigpit ang entry standards ng US Immigration sa ilalim ng administrasyon ni US President Donald Trump pero aplikable aniya ito sa lahat ng dayuhang manggagawa at hindi lamang sa mga Pinoy. 

Siniguro naman ni Carlson sa senador na pag-aaralan nito ang reklamo ng mga naapektuhang Pinoy seafarers.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.