NAGBIGAY ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office ng 53.6 million pesos na halaga ng humanitarian assistance sa mga pamilyang hinagupit ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas.
Ang mga pinamahaging tulong ay kinabibilangan ng 77,383 family food boxes; 5,024 ready-to-eat food packs; at 5,388 na iba pang food at non-food items, gaya ng drinking water, hygiene kits, at iba pang essential supplies.
Sinabi ni DSWD Eastern Visayas Director Grace Subong na patuloy ang kanilang teams sa pagkalap ng updated data habang walang patid ang delivery ng relief aid at welfare services upang matiyak na lahat ng pamilyang naapektuhan ay makatatanggap ng suporta.
Aabot sa 263,674 families mula sa 84 Local Government Units sa mga lalawigan ng Southern Leyte, Leyte, Samar, Northern Samar, Eastern Samar, at Biliran ang naapektuhan ng Bagyong Tino nang dumaan ito sa rehiyon noong Nov. 3.




